Linggo, Setyembre 14, 2008

una akong mag magic.....






dito sa skul na ito una akong natuto mag magic. actualy wala pang isang taon ako sa pag mamagic. 8 months palang kung bibilangin. pero sa tingin ko ay matagal na ako. kasi marami na akong natotonan at nalalaman. marami narin akong nakilalang kapwa ko magician....



noung una.syempre wala pang alam. kung walang alam ay wala pang magic. hehehehehe.






may background na ako sa magic kahit papaano nun. noung elementary,lagi na ako nagbabasa ng magic book kung paano gawin ang trick. tapus noung grade 6,nag simula ng mag perform sa mga kklase koh.......pero ngayon ko lang siguro sineryuso. masaya kasi pag nakakapagpasaya ng tao......






walang magawa nun. walang teacher--walang pag-sasa. joke. syempre wala kaming klase.....natutulog pa ako nun. pag kagisign ko nakita ko si patrick na nag mamagic ng mentalism. yun un yung maraming drowing at papipiliin mo ka tapus mahuhulaan nila "Wow ang galing naman nun noh. tapus yun nagpakita rin ako ng mgaic. sanay ako sa cards,eh walang baraha kaya globe card nalang ang ginamit ko(kulay yelow)pinerform ko ang card manipulate.....ok naman........una kong trick na ginamit yun eh. masaya ako dahil maganda reaction nila. alam ko angle sensitive yun pero pinerform ko. wala pa kasi akong trick kaya yun ang ginamit koh......






nakita pa yun ng iba pang teacher. si mam jo lalo na si teacher Tina...may putensyal daw ako...kaya yun sineryuso ko na....nag search pa ako ng amgic. marami na akong natutunan......






malapit na mag intrams. nag ppractise kaming sayaw na soulja boy....sa kalagitnaan ng practise ay sumakit ulo ko hanggang sa linagnat....uminit pakitramdam ko at dahan-dahan tinubuoan ng bulotong. umabsent ako ng ilang linggo kaya di ako naka atent ng sport fest. dun lang ako sa bahay. mataas ng lagnat at di makakain ng mabuti.....dumami ang bulutong saking katawan. kala ko ketong na yun at sinabi ko sa aking sarili "WALANG.....PAG-ASA".............boung aral wala akong ginawa kung hindi manoud ng TV at mag internet.....sa internet ay naisipan kong panourin ang magic ni david copper field. magaling daw na magician yun. wow ang galing nga. pamatay. sadista ata ang taong ito ay masademonyo. hehehehehe. sa youtube ko rin napanoud ang mga magic ni david blaine at criss angel....duna ako naispire mag magic. habang sila ay aking pinapanoud ay nakikita ko ang aking sarili sa kanila pag-laki ko. sana maging ganyan ako........






nang gumaling na ang bulutong ko ay pumasok ako. yun ang time na 1st time ko mag dala ng baraha. dahil sa hand book ay bawal yun,ingat na ingat ako. baka makuha yun. yun ang pinaka ayaw ko. local cards pa gamit ko hindi bylcle na gamit ko ngayon......sa una siguro nag mamagic ako para lang magpasikat,magyabang,at pakitang gilas pero nang tumagal ng tumagal ang pag mamagic ko ay dun ko nalaman na nag pperform ka para sa ibang tao hindi sa sarili mo....nag papasaya ka gamit ang magic......masarap din sa pakiramdam ko pag may pinaghirapan ako at naibabahagi ko sa iba.






mahirap pero masarap maging magician

Sabado, Setyembre 6, 2008

Boyle



Boyle-ito ang pangalan ng section namin nung 3rd year. kinuha ito sa isang panagalan ng scientist na di ko kilala,basta kamag anak ni aristole....heheheh. basta wala ako pake sa panagalan ng section natin...
kunti lang kami(20 ba ata).....sa umpisa paalng. OP na ako dahil ako lang ata ang bago....actualy 6 kming transfery....ako,si patrick,si anjo,si seo-jin,mark jhon,at si princess....yung dalawa,bumalik lang....
"hindi ka maiiwan sa ere dito" ayun lang sinabi saken ni luiji....hindi daw? "HINDI DAW HA".
dun ko rin nakilala si pricilla. nakatabi ko pah....tinatakot pa ako kay don-don nun. pero ok lang. sino ba yun? hindi naman ako ganun para mangangas diba? kilala nyo naman ako eh. heheheheh

tanda ko pa nung mag papakilala ako! "ako si angel." yun lang tipid pa ako magsalita......tumagal ako dun ng dalawang taon. maraming nangyari saken nun... tanda ko pa nung nag yuga kami. di ko alam kung yuga ba talga tawag dun.
i remember nakikita ko na yun before. ginagawa yun ng mga elem saamin. totoo kaya na nahihimatay daw ang sumubok nun.....di ako naniwala. ayun ako ang napag tripan ng mga loko. ako ang ginawang parang alay,handa para mamatay hehehehehe. parang may seremonya.....pinaupo ako at pinikit ang mga mata. pag tayo ko,tanda ko pa na nakadilat pa ako nun. huli ko nakita si gladys. sunod nun...............................................................................di ko na alam. parang nawala ako. parang patay talaga ako. wla akong naririnig,wala akong nakikita pero nakadilat raw ako,wala rin ako nararamdaman. tumama raw ang ulo ko sa blockbord. tapus hindi na ako nagising pa. sinampal ako pero w epec. pag gising ko, nalimutan ko na ang nangayari. tinig nan ko ang mga kklase ko, una,hindi ko pa sila nakilala. hindi ko alam kung nasaan ako. "nahimatay ka," dun ko naalala lahat.....sunod nun. ayaw ko na gawin yun. natatakot n akong baka maulet ay hindi na ako magising.........1st time lang talaga mangyari saaken yun. yung 2nd time nung nag CAT kami. buti nalang nandun yung officer namin para saluhin ako. ayus nga eh naka yakap ako












..BOyS..



alvañiz,



Anj0amane,



matthEwalejandr0,



qui0liec0lona,



le0nardmagada,



ad0nismagallanes,



geromaligad,



michaelsant0s,



patricksuel0,



angelti0ngs0n,



luijiprianes,



mark jan













..gurLs..



aleñ0,



clarEttEbagAmasbad,



princesScaSAs,



marviluZcapUz,



glAdYsgArucha,



davnEeim,



sEoijinmirAndA,



grAzem0nseS,



prEscillarAm0s,



danicAvaSquEz,



alySsa







Biyernes, Setyembre 5, 2008

blue to red

"krinnnnnnng!krinnnnnnng!krinnng!"tunong ng alarm clock ko,napagkamalan ko pang telepono namin....umaga palang...kulay blue pa ang paligid..tumingin ako sa kalendaryo "PASUKAN NA PALA"naalala ko lang nung nakita yung uniform na nakahanda na,hindi sa kalendaryo...hahahaha.
agad,agad ako naligo sa banyo.....at nag bihis...hindi ako makapaniwala. sa unang pag kakataon ay isusuot ko na ang uniform ng sfac. sa oras na maisuot ko na ito ay fransican na ako. kaya wag muna di pa ako ready. di ko muna sinout. tinabi ko muna...pagkatapus kong kumain ay saka ko na ito sinout....tumingin ako sa salamin namin.BWAHAHAHAHAHHAHAHA nakakatawa ang ishura ko! naalala ko yung pastor saamin na nag tuturo. kulang nalang ay mag dala ako ng bible at pupunta ng simbahan...pero ayus ha. muka na akong kagalang-galang....
dumating na ang service ko. pg dating dun ay puro bata ang tumambad saaken....nasa elem ba ako? nasaan ang highskul campus? hindi ko pa kabisado ang lugar. may nakita akong mga mukang highskul kaya nag tanung nalang ako. "nasaan dito ang 3rd year?"sabi ko.
"dyan po,lumingon ka sa kaliwa"
ahhh. ang lapit lang pala eh. kala ko,kaylangan ko pa ng mapa para mahagilap ng klasroom ko....yun pala kasama na ang elementary at highskul. two in one na!
binasa ko pa ang nakasulat sa pintuan. "welcome to III-Boyle"aba welcome na welcome ako ha. di ko na binuksan ang pintuan dahil nakabukas n. automatic.....pag pasok ko..."ay ang cute ng klasroom maliit din"sa isip ko.
dun ako unang napansin ni luiji. "transfery k?"tanung saaken.
"oo",una kong sinabi....
"ano panagalan mo?"
"angel"
"Ano sabi mo?"
"angel"
"ano brijit?"
"BWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"
ayun ang una kung panagalan....ewan ko kung bakit brijit eh malayo yun sa angel. aba niluluko na ako ha. nandun narin si grace. naupo nalang ako sa isang upuan,dun sa malapit sa bintana. gusto ko makapag isa muna dahil nahihiya ako. hinintay ko nalang ang iba pang maigiging klasmate ko. dumadami na kami. pansin ko lang ay lahat ata sila ay magkakakilala na. ako lang ang naoop. subra akong tahimik nun. parang di ako kasali sa gruop nila....nag MP3 ako para malibang......maya-maya nakita ko si matthew. skulmate ko sya noung elementary at dati ko rin syang naging kaserve...buti naman may kilala pa ako dito.... s lahat ay di ko sila kilala,at syempre di pa nila ako kilala.
lumabas kami ng klasroom. may program pah!. ayun nanoud kami ng program sa init ng araw. nang una kong marinig ang skul song namin ay ibang-iba ito sa nakasanayan ko na sa PCU,may b uhay ha,bagay sa flagceremony pag umaga.
tama nga maninibago ako dito...lahat na ay bago saaken. marami akong bagay na nawala na nakasanayan na. .....ang dating kulay blue na PCU ay pinalitan ng pula...............tinanggap ko na saaking sarili na hindi na ako dolpine. isa na ako sa lahat ng maraming fransicans.

first time in sfac..

bakasyon parin. kalagitnaan ang semana santa. ayun puro boring na ang mga palabas eh....saka wala na akong magawa......sinupresa ako ng mama ko na mag ssummer classes daw ako next week. saa? sa bago ko daw skul....na excite ako. ano kaya ishura ng bago kung skul? gusto ko na makita.....
pag punta namin dun ay tahimik ang boung paligid. may mga kunting puno sa paligid.simple lang pala maliit lang sya....."Cute nga eh" tumingin ako sa pinakadulo,akala ko,malaki yun dahil may nakapag sabi saken na malawak dun.
nandun ang mga ibang teacher...simula palang dun ay nanibago talaga ako. di ko kilala ang mga teacher dun di ko alam kung yung iba ba dun ay parents....dun ko nalaman na dpat mag bless ka sa mga nakikita mong teacher......aba sa PCU wala nun ha. "siguro napakabait ng mga studyante dun"....siguro lang ha. imagine ko may mga bilog sa ulo ang mga nag-aaral dun kaya pinangalan yun sa santo nila na si st. fransic. sino ba yun. di ko kilala yun eh.
1st day ng summer classes ko ay ako lang mag isa. hinintay ko pa ang magiging teacher ko. na boring na agad ako. nilabas ko yung mp3 ko sa harap ng mga teacher. di ko naman alam na bawak yun eh.....1 hour,dumating na ang teacher koh. yung matabang ale na nakita ko ay si Mam Jo pala. nag pakilala ako "M-my n-name i-is a-angel"nahihiya pa ako hahahhahahaha.
dun kami sa klassrom natin dung 3rd year kami nag summer nuon. ako lang ang studyante.....sinabi saken ni teacher ko ang mga bawal at pwede sa skul
-bawal ang cp
-pwede hindi magdala ng cp
-bawal ang maingay
-pwede ang tahimik
-bawal ang umabsent na wlang dahilan.
-pwede pumasok na may dahilan
(ano pinag kaiba sa dalawa?)
sa summer class ko ay puro math an nakakaharap ko. na ggets ko naman dahil algebra ang lesson. napag aralan na namin ito before....20 day,natapus rin.....isang bwan nalang ay papasok na ako sa skul na iu......si teacher jo rin daw ang magiging adviser ko.....sino kaya ang magiging klasmate ko?. wala pa akong idea........bahala na. 20 daw lahat kami...

bakasyon

puro mais ang kinakain ko nuong bakasyon,isa ito sa mga paburito kung pag kain. ang sarap kasi eh. sa kalagit naan nag bakasyon ay wala akong ginawa kung hindi manoud lamang ng tv at mag txt kay katrina,sya yung gf ko....walang araw na hindi kami nag ttxt. syempre araw-araw din ako nag papaload. hindi ko na matandaan kung paano ako nakakapera ako dun. siguro hindi ko na namamalayan na kumukupit na pala ako.



malungkot ng bakasyon na iyon. dahil boring,walang magawa o dahil nammiss ko na sya.....minsan tumatawag ako para marinig ko naman ang boses nya.....



sa tv ay wala akong mapanoud na boring na palabas......lagi ko pinapanoud noun ang myx,...dati yun hindi na ngayon eh......haabang ka txt ko ang gf ko,sakto may tumawag saakin sa labas ng bahay... "puta,si Jerome!" sya ang matalik na kaibigan kong kaibigan....tiga mindoro sya. nag babakasyon lang siya dito sa cavite kaya minsan lang kami mag kita...



"oh pare musta ka na!" malaki na pinag bago nya. tumangkad sya,dati halos patay lang ang tangkad namin. mapurma na sya kung manamit. akalaain mong araw-araw parang may pupuntahan. lagi kasi syang nakapang-alis....napansin ko agad ang kanyang may kulay na buhok. balita ko pah,napabayaan na nya ang kanyang pag aaral. huminto sya.



nagkamustahan kami..pinuntahan namin ang mga dati naming pinupuntahan. sya kasi ang kababata koh....lagi nga nya sinasabi saken: kung kaya mo ay kaya ko rin,kung wala ako,wala ikaw",yan ang motto namin,sya ang best friend ko..



tuwing magkasama daw kami noun ay napag kakamalan daw kaming kambal. kasi parehas kaming manamit. parehas nakaitim,cama,at naka sumbrero,lagi rin kaming may suot na ipod or mp3...... sabi nga ang mga kapitbahay namin ay parng magkapatid lang kami.....



parehas kami ng hilig....kung ano ang gusto ko ay lalong gustong gusto rin nya....lagi kaming nagkakasundo. kilala na talaga namin ang isat-isa...marami na kaming pinag samahan ni jerome. alam na namin ang sicreto ng bawat isa. alam naming dawala ang pangarap namin.....sa kanya rin ako unang tumikim ng alak at sigarilyo. pero tikim lang ha......di ako naadic
kung tawag saakin saltek ay tawag ko naman sya nun ay "tupak" oh diba talagang bagay magkasama. gumawa akong kanta para sa kaya na may tupak tapus ginawag naman nya yun ng dance step hahhahahahaa



nung bakasyon na iyon,hindi na ako naging malungkot kay katrina dahil may kasama na ako....



nung May ay bday ng kapatid koh,tumawag ang gf ko. pupunta raw sya sa bday. natuwa naman ako kaya dali-dali akong nag ayus. umaga palang ay hinatid ko na sya sa gate. meron syang bit-bit na regalo. barney na stuff toy. yun kasi ang fav ng kapatid ko. pag nakikita ko ang manika na yun ay naalala ko sya. laging hawak ng kapatid ko yun.....



nakakatxt ko parin gf ko nun. pero hanggan dun nalang ata daw kami....



ayun mag papasukan na. umuwi na jerome sa kanila...at ako papasok na ako sa bago kong skul..hindi ko pa alam nun kung ano yung skul na yun eh.....

Martes, Setyembre 2, 2008

my last day in PCU

hindi ko pa naiikwento sa inyo ito. pero tanda ko pa ang huling araw at mga huling oras ko sa PCU. yun ang araw ko dun na hinding hindi ko malilimutan. bago pa man ako pumasok sa sfac at naging "parapip"heto ang kwento ko past 2 years na.......

sa skul namin,marami rin akong napauso....hindi pa ako nag mamagic nun. puro drowing palang. yun lang libangan ko before....marami rin akong ka tropa dun. syempre dahil marami kayo dun ay marami ka rin makikilala. sa isang section ng 2nd year ay 34 lhat kayo eh apat ang section dun bawat year kaya naman yung mga iba,hindi mo alam kung ka year mo o hindi......masaya rin dun kaya tumagal ako dun ng 4 years,

sa tagal ko dun ay nag karuon na ako ng gf.(wala na break na kami)

ewan ko ba kung baket last day ko duon ang pinaka memorable.....siguro dahil sa maraming nangyari.






bago pa ang araw na yun ay tinawag ako ng teacher ko sa social. ang teacher na nagpahirap saken.....

mababa daw ako sa lahat ng subject kaya dapat kong gumawa ng make-up...mag lilinis ako sa skul kung ayaw mong bumagsak....syempre ayaw kung mangyari yun. bukas na bukas maglilinis ako......

pag uwi ko sa bahay,palihim kong kinuha ang brush ng kubeta namin,gloves,at sabon kasi ayaw kung malaman ng magulang ko na maglilinis ako ng kubeta,baka pa mag reklamo yun sa skul. basta ako gusto ko lang pumasa para sa kanila. ready na ako para bukas....

umaga palang sa skul ay hinanda ko na ang aking sarili. inaalis ko ang ano mang kaba. hinanap ko agad sir koh. ayun sa faculty nag kakape ka pa ha. "sir ready na ako"sabi ko....

"sige sumunod ka saken"...binababa nya ang kape at sinundan ko sya. pumunta kaming dalawa sa stuck room......"sir anong gagawin koh?"
"dyan ka lang sa pintuan,magbantay ka dyan. ikaw ang guardia koh"
natawa ako "sir,tatayo lang ako dito?"
"marami pa akong ipag uutos sa iu"....
ok toh ha ginagawa akong alala.......basta ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay,dapat makapasa....

ayun ang tagal kong tumayo dun dalawang oras na....dinadaan ng mga ibang studyante.......
dumating na si sir....tinawag ako para sa susunod kong gagawin.
"ok hugasan mo lahat ng cr ha...pati cr ng mga girls linisin moh!",turo nya....
"pwede po sana kung sa boys cr lang pero sa girls cr ay nakakahiya na yun"sabi ko
tanging sinabi lang nya saaken ay "kung makakatakapak ka pa sa 3rd year"
sa pahiwatig na iyon ay natakot ako. wala akong magagawa. inumpisahan ko na ang paglilinis ng kubeta ng highskul campus.....marami pa akong lilinisin dahil 4 rooms yun....studyante ako at hindi dyanitor para gawin yun.....

basa na ang buo kung damit. naliligo na ako sa pawis at tubig. ang aking sapatos ay tinanggal ko na at iniwan muna sa labas. naka paa lang ako maglinis......kawawa ako.hehehehehe. ako lang ata ang gumawa nun. sikat. wala saken ang hiya hiya kahit nakikita na ako ng 3rd,at 4th year.....

maya-maya may pumasok na isang teacher na lalake. mabait sya. "angel,ano kasalanan mo at pinapagawa sa iu yan"naawa sya saaken.

pinagpatuloy ko pa ang palilinis. hanggang girls cr. sakto pumasok ang gf ko. nabigla sya.
"baket"sabi nya....
"eh bagsak ako sa mga grade ko eh"sabi koh.
pinag masdan nya ako mula ulo hanggang paa. hindi na sya nakapagsalita pa.....
"marami pa akong gagawin. ikaw ano ginagawa mo"tanung ko.
"marami rin eh,kasama ko sila shermay magpapasa kami ng project sa jurnalism"
aalala ko na huling araw na pala yun ng pag uusap namin "hon,pwede mamaya,usap tayo"
"sige"pinag masdan nya ako sa mata. nalungkot ako nang makita nya ang kalagayan ko. hindi ko alam siguro pinandidirihan ako o kinahihiya......

sa wakas sa 3 oras ay nakatapus din ako. natuwa ang teacher ko ng makita nya na malinis na malinis ang boung kubeta "very good suelo. malinis na mailis"
"sir,ngayon lang yan malinis pero mamaya sa kadami-dami ng gumagamit dyan ay papanghi rin yan".....
"magpahinga ka muna,mamaya lilinisin mo naman ang sci lab"
"putang ina pagod na pagod na nga ako eh"sigaw ko sa isip ko lang....parang gusto ko ng magwala...ahhhhhhhhhhhhhhhhh......

nag punta ako sa canteen. kumain ako dun ng aking favorite na "yakisuba pansit canton" nakadawa ako. yun ang lunch ko....
sa sci lab ay marami na akong kasama......nandun rin ang iba kung klasmate na kumukuha ng make up.....
ako ang naglaba ng kurtina nun. pagkatapus ay sinampay namin yun sa bakod. mainit na ang araw nun. pero malakas ang hangin kaya nililipad ang aming sinampay. ako rin ang inatasan para bantayan nalang yun. baka kasi lilipat yun ng hangin sa kabilang elem....
matagal nanaman akong nag mukhang tanga...nakaupo lang ako sa lilim ng puno habang pinag mamasdan ang sinampay. matagal pa ito matuyo....buti nalang sinamahan ako ng gf ko ulet inayus ko ang aking sarili para maging mayus sa paningin nya kahit lahata naman na madugis na ako......

"kanina ka pa dyan"mahina nyang tanung. mahinhin kasi sya. yun ang isa na nagustuhan ko sa kanya.
"oo kanina pa. pinapatuyo ko nalang ang mga sinumpay.mamaya may gagawin ulet ako."
"mmmmmmh. hindi ka pa ba napapagod?"
"hindi....gusto ko lang naman na pumasa eh. baka hindi ako maka 3rd year eh. dito nalang sa make up ako babawi..."naupo kami sa lilim ng puno ng acacia. napapanoud namin ang kabuoan ng cover court namin. pinagmamasdan namin ang mga nag lalarong ibang studyante. "buti ka pa ang talino mo kaya hindi mo na kaylangan kuha ng make-up"
"diba sabi ko na sa iu dati mag aral kang mabuti"parang nagtatampo sya.
"alam mo bukas simula na ng bakasyon noh. ang lungkot dahil matagal nanaman tayong hindi magkikita"
"eh sa 3rd year. dito sa mag aaral diba"sabi nya...
bigla akong nalungkot. "paano kung next year,hindi mo na ako nakita. lumipat na pala ako ng skul"
"lilipat kah!?"
"oo"sabi ko. hindi na sya nakatingin saaken ng maayus. nalungkot narin sya....
"eh paano yan,di na pala tayo magkikita paano ang js natin?" yun kasi ang matagal naming pinag pplanohan sa 3rd year eh.....
lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "alam mo pagkatapus ng araw na ito. di na tayo magkikita. sa oras na lumipat ako ay lhat magbabago saaken,bagong skul,klasmate,teacher,barkada,lhat magbabago. ang malungkot nga lang ay sa araw ko,kahit anino mo hndi ko na nakikita. lahat man ang magbago pero hindi ka mawawala sa puso ko.."sabay kilig hehehehe. seryuso muntik na ako mapaiyak nun...pero pinigil ko. ayaw ko makita nya akong umiiyak....

ayaw nya pa maniwala saaken,biro ko lang daw yun. pero mag bibiro pa ba ako nang ganung kaseryuso?

marami pa kaming pinag usapan. nalibang na kami. hanggang di na namin namalayan na tuyo na ang mga sinampay. sya pa ang nag tiklup nun...hindi ako marunong nun eh.....naiwanan ko muna sya para ilagay ang kurtina sa sci lab...pag balik ko,nawala na sya....di ko na sya nakita....asan na sya....hinananap ko sya...pero hindi ko na talaga sya nahagilap....nalungkot ako.....ala una,palakad lakad na ako sa campus,nilibut ko na dahil yun na ang huling araw ko.

nakita ko kaibigan ko. klasmate ko sya sa PCU simula grade 4 pa kami kaya nag paalam narin ako sa kanya. "tol wag ka na lumipat,matagal na tayong magkasama,aalis ka pa. isang taon nalang graduet na tayo"sabi nya

natahimik nalang ako at iniba ang usapan...pumunta kami sa puno ng narra,dun kami palaging tumatambay pag break or nag cutting kami....
sun sa punong yun ay inukit ko ang pangalan ko "angel bert 07" yan ang inukit koh

nalungkot na ako dahil hanggang ngayon ay di ko parin makita gf ko...hanggang sa mag uwian na. hindi pa naman ako nakapag paalam sa kanya ng maayus.....