"krinnnnnnng!krinnnnnnng!krinnng!"tunong ng alarm clock ko,napagkamalan ko pang telepono namin....umaga palang...kulay blue pa ang paligid..tumingin ako sa kalendaryo "PASUKAN NA PALA"naalala ko lang nung nakita yung uniform na nakahanda na,hindi sa kalendaryo...hahahaha.
agad,agad ako naligo sa banyo.....at nag bihis...hindi ako makapaniwala. sa unang pag kakataon ay isusuot ko na ang uniform ng sfac. sa oras na maisuot ko na ito ay fransican na ako. kaya wag muna di pa ako ready. di ko muna sinout. tinabi ko muna...pagkatapus kong kumain ay saka ko na ito sinout....tumingin ako sa salamin namin.BWAHAHAHAHAHHAHAHA nakakatawa ang ishura ko! naalala ko yung pastor saamin na nag tuturo. kulang nalang ay mag dala ako ng bible at pupunta ng simbahan...pero ayus ha. muka na akong kagalang-galang....
dumating na ang service ko. pg dating dun ay puro bata ang tumambad saaken....nasa elem ba ako? nasaan ang highskul campus? hindi ko pa kabisado ang lugar. may nakita akong mga mukang highskul kaya nag tanung nalang ako. "nasaan dito ang 3rd year?"sabi ko.
"dyan po,lumingon ka sa kaliwa"
ahhh. ang lapit lang pala eh. kala ko,kaylangan ko pa ng mapa para mahagilap ng klasroom ko....yun pala kasama na ang elementary at highskul. two in one na!
binasa ko pa ang nakasulat sa pintuan. "welcome to III-Boyle"aba welcome na welcome ako ha. di ko na binuksan ang pintuan dahil nakabukas n. automatic.....pag pasok ko..."ay ang cute ng klasroom maliit din"sa isip ko.
dun ako unang napansin ni luiji. "transfery k?"tanung saaken.
"oo",una kong sinabi....
"ano panagalan mo?"
"angel"
"angel"
"Ano sabi mo?"
"angel"
"ano brijit?"
"angel"
"ano brijit?"
"BWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"
ayun ang una kung panagalan....ewan ko kung bakit brijit eh malayo yun sa angel. aba niluluko na ako ha. nandun narin si grace. naupo nalang ako sa isang upuan,dun sa malapit sa bintana. gusto ko makapag isa muna dahil nahihiya ako. hinintay ko nalang ang iba pang maigiging klasmate ko. dumadami na kami. pansin ko lang ay lahat ata sila ay magkakakilala na. ako lang ang naoop. subra akong tahimik nun. parang di ako kasali sa gruop nila....nag MP3 ako para malibang......maya-maya nakita ko si matthew. skulmate ko sya noung elementary at dati ko rin syang naging kaserve...buti naman may kilala pa ako dito.... s lahat ay di ko sila kilala,at syempre di pa nila ako kilala.
lumabas kami ng klasroom. may program pah!. ayun nanoud kami ng program sa init ng araw. nang una kong marinig ang skul song namin ay ibang-iba ito sa nakasanayan ko na sa PCU,may b uhay ha,bagay sa flagceremony pag umaga.
tama nga maninibago ako dito...lahat na ay bago saaken. marami akong bagay na nawala na nakasanayan na. .....ang dating kulay blue na PCU ay pinalitan ng pula...............tinanggap ko na saaking sarili na hindi na ako dolpine. isa na ako sa lahat ng maraming fransicans.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento